Ano nga ba ang buhay OFW
Ano nga ba ang buhay ng isang OFW? masaya nga bah d2 or
tinatago mo lng ang tunay na nararamdaman mo?
Sabi nila mayaman daw ang mga OFW, Maraming pera, susweldo
buwan-buwan at mabibili nag mga luho n gusto nila, pero di nila alam kung anong
hirap ang pinagdadaanan nila, masakit man lumayo sa pamilya pero kailangang
gawin para maibigay ang magandang buhay at kinabukasan sa aming pamilya pero
kaming nasa abroad di kami mayaman sa pera, mayaman kami sa sipag tiyaga at
pasinsya. Hindi lahat siniswerte, may mga iba inaabuso ng mga amo, pinapakain
ng di sakto masaklap pa ang iba umuuwi patay na.
Dito sa abroad di gaya sa Pinas, kumakain ng tatlong besis
sa isang araw, nakapagpahinga ng anong gusto mong oras pero kami milagro,
dalawang besis o isang bisis lang kumain..tinapay, instan noddles, coffee ok na
, atleast maibsan lng ang gutom.
Dahil kailangan naming magtrabaho at kumayod pra kumikita at
maipadala sa pamilya sa Pilipinas. Halos ng sweldo namin wala nang matira, dahil
gugus2hin namin ang magpapadala sa kanila. pagsweldo, isang minuto mo lng
mahawakan ang pera mo pag uwi recibo.
Malungkot man isipin pero kailangang tiisin, dito kailangang
sipag, tiyaga, tiis, luha lahat mararamdaman mo dito. Pinakaimportante mahaba
lage pasinsya mo para sa mga taong bago mo masalamuha at mkaharap mo. Mahirap
lumayo sa pamilya, lalo na’t may mga okasyon: bagong taon,bday, reunion, pasko
lahat mamimis mo yan. Ang iniisip mo lang babawi nalang ako pag uwi, pero ang
masakit pag mawala talaga ang mahal mo. Mahal mo sa buhay, kht sa huling
sandali ng buhay nila di mo sila makasama at mayakap.
Isa lang ang maipapasaya namin, ang kumustahin nyo lang kami,
magtxt, magmessage kahit milya milya pang layo namin atleast mararamdaman namin
nandito kayo sa puso namin.
Makita nyo man kaming masaya dito, nag u-upload sa fb pero
sa likod ng masayang yun may nakabalot na pangungulila. Mahirap ang isang OFW,
dito hindi mo man mararamdam sa Pinas pero dito mararamdaman mo lahat, magkasakit
ka walang mag-aalaga, pakod ka pero kailangan mo kumita, kaingan mong bumangon
at magtrabaho, hindi madali lahat niyan tinitiis mo lang. pero ang pinakaimportante
dito yong tinatawag nilng homesick, pagyan tumama sayo, kahit sinu kapa
katapang n tao, di mo namamalayan mata mo tumutulo na pala, pero ang iba
sinasabi nila. Ang mga OFW, pagdating sa pilipinas, hindi na namamansin,
strikta na, hindi nagpapakain, nagpapainum, nagpapatagay..mga ganyang mga ugali
hindi binibigyan ng pasalubong pero di nila alam pinapahalagahan nila ang mga
pera sa bawat patak ng pawis nila, luha iniipon nila yan katumbas ng isang peso
sa Pilipinas, katubas ng milya milyang pawis dito.
Kaya sana naman, yong mga nasa Pilipinas, pahalagahan nyo
ang mga perang pinapadala nila hndi madali dito lahat mararamdaman mo talaga, kahit
pagod, puyat, sakripisyo, luha pangungulila para sa pamilya mo.
No comments:
Post a Comment